Tuesday, 15 June 2010

Facebook: Social media o OKRAY media?




"'Di komo maputi ka, maganda ka na!"
"Ang higad, di lang sa puno nakakapit..."
"walang utang ngayon, bukas pwede!"
"single, in a relationshio, complicated, married, widowed...san ka?"

Kung alam mo yan, malamang may FACEBOOK ka, kamote ka!


Walang personalan, status lang! Pero, wala nga ba? Lahat na lang kasi ng bagay personal, kaya lahat pinepersonal, ultimo pinakamaliit ng hinimay ng pagkatao mo, nasa FB... hello!
Ay dapat lang naman, dahil lahat ng ginagawa, sinasabi, iniisip ay repleksyon ng iyong pagkatao.

S'ya nga naman, aminin naten, maraming pagkakataon na pinatawa at pinakilig tayo ng pagkakataon sa pagbabasa lang ng kung anik-anik sa Facebook. Pero sa pagkakataon na yon, meron at meron kang mababasa na ikaiinis mo.
Huwag mag-deny, don't tell a lie...
At ang nakakalerki, hindi mo alam kung sa status, wallpost o fan page ka naiinis o sa mismong indibidwal na nagpost.

Naglipana ang kanya-kanyang banat na may kasamang panira o pang-oOLAY!
Freedom of expression pa ba itong masasabi o may gusto lang patamaan?
Mamatay ko mang isipin, karapatan ng lahat bumanat.
Sa totoo lang, it's miffing me off sometimes..
(Gawain ko din naman ito minsan.lol.)
Minsan, ya'ng status na yan, lame excuse sa pagiging duwag!
Ikaw, naiinis ka din ba? O naiinggit sa mga banatero't banatera?
L.L.P.F -- Liar, Liar, Pants on Fire.

Bakit nga ba sa halip na gamitin ang channel na ito sa positibong paraan, nalalaman mo ba ang sinasabi ko?
Halimbawa na lang, ang hanapin ang nawawala - kaibigan, kaklase, kamag-anak, at pwede ri'ng kapuso para sa mga desperado... peace be with you :)
At sa halip, nagiging medium ito para sa pagpapakyut at pagpapapansin...
Ang tanong? Kyut nga ba at walang malisya?
Naisip ko lang, ang iksi ng buhay...
Nakakafrustrate nasasayang ang ilang himaymay ng oras mo kapupuna sa mga ganitong klase ng trip.
Ang masama nito, sa pagsulat kong ito,
ISA na din AKO sa mga taong bumabasag sa trip ng iba...

Hay naku! Umiiral na naman ang pagiging opinionated at observant ko!
blah! blah! blah! Bahala ka!


Tama na nga. Wala namang makikinig eh :)

- J


No comments:

Post a Comment